Thanks to Paulyne for the Copy.. but I'm not going to share entire Homily of one my favorite Jesuit Priest Friends, acting Provincial Fr. Mario Francisco, SJ. Only the parts that I believe should be given emphasis and also showed how brilliant Fr. Mario is with his homilies. Iba talaga ang mga homily niya - JVPs will agree with me on this. At may kakaibang dating lang din ang homilya, yung pagbabahagi sa Tagalog.
----
Narinig natin ang pagbasa buhat sa Ebanghelyo ni San Lukas, ika-anim na kapitulo, bersikulo 36-38. Parang hindi ito bagay sa mga pangyayaring nagdala sa atin dito—ang kadilimang bumabalot sa proyektong NBN—at sa tema ng Misa natin—katotohanan at pananagutan [truth and accountability]. Sinasabi sa pagbasang “Maging mahabagin, huwag humatol, huwag magparusa at magpatawad at magbigay kayo.” Pinalalambot ba nito ang ating mga tuhod? Maliwanag na hindi dahil sa mga naunang bahagi ng kapitulo, pinapahayag ring “Mapapalad ang mga dukha, nagugutom, tumatangis at kinapootan,” samantalang “aba naman ang mayayaman, busog, nagsisitawa at pinupuri ngayon.” Ngunit sinusundan ito ng tawag na “ibigin ninyo ang inyong mga kaaway, at gawan ng mabuti ang napopoot sa inyo.”
Napapaloob sa kapitulong ito ng Ebanghelyo ni Lukas ang Salita ng Diyos na ayon kay San Pablo’y “dapat nating pakinggan, napapanahon man o hindi.” Nandito ang pangaral ni Jesus sa lahat ng nais sumunod sa kanya, at ang hamon sa atin ngayon.
.....
Pinamana ng ating Amang San Ignacio ang paraan ng pagkilatis [discernment], hindi upang magkulong sa konsepto o maparalisa sa pagkilos kundi upang ang pagkilos natin ay batay sa ating pakikinig sa Salita ng Diyos sa banal na templo ng ating mga puso bilang sambyanan ng Diyos. At ang katotohanang tinutuklas natin dito ay hindi lamang katotohanan tungkol sa mga pangyayari kundi katotohanan tungkol sa ating sarili at komunidad. Kung hindi natin masilayan ang katotohanan, hindi kaya natatakpan ng kanser ang ating mga mata o kaya’y nagbubulag-bulagan tayo?
Ikalawa, ipinaglalaban at pinaninindigan ang katotohanan. Halimbawa nito ang buhay ni Jesus na nagpatutoo sa pag-ibig at habag ng Diyos sa kabila ng pagtutol ng iba at pagtalikod ng kanyang mga disipulo. Hindi sementadong expressway ang daan tungo sa katotohanan. Bukod sa mga lubak na dala ng taunang tag-ulan, marami itong hadlang, pati na iba’t ibang checkpoint. Dahil dito, dapat nating ipaglabang matanggal ang lahat ng sagabal na ito—ang pagtatago sa likod ng direktiba, ang pagpilipit sa butil-butil na impormasyon para palabuin ang usapin, at ang paggamit sa usapin upang isulong ang pansariling pampulitikang interes. At dapat managot ang sinumang may kinalaman rito.
Ngunit sa paglabang ito at pananagot para sa katotohanan, dapat rin nating labanan ang ating sarili o iyong mga tagong bahaging nakakahadlang rin sa katotohanan. Kailangan nating itanong kung mayroon din tayong pananagutan sa katiwaliang laganap na naghahari sa buo nating paligid. Sino sa atin ang nagpapadulas sa sandaang piso para lamang hindi maabala ng paglabag natin sa batas trapiko o nagsasabing “Pasensya na sir, pari ako at may hinahabol na Misa”? O kaya’y napakadaling hindi lamang umiwas sa buwis kundi magduktor ng papeles para hindi magbayad? Ilan kaya sa ating mga mag-aaral ang nagtiis na pumila at magparehistro upang makaboto sa halalan?
Ikatlo, nagbubuklod ang katotohanan. Inanyayahan ni Jesus ang lahat upang manindigan para sa katotohanan at hindi niya o ninumang propeta pinagbuhatan ng kamay ang sinumang tumalikod sa katotohanan. Kung tayo’y nandito at nagkakaisa, ang pinakamalalim na bukal nito ay hindi dahil sa magkapareho ang ating paboritong kulay (maging asul o berde o pula o dilaw), at hindi rin dahil magkakapartido tayo. Katotohanan ang tumawag sa atin dito at nagbigkis. At inaasahan nating sa hinaharap hindi tayo magbibingi-bingihan sa tawag na ito.
....
Magalit tayo sa kasinungalingan at katiwalian ngunit isaloob natin ang narinig natin sa Ebanghelyo: “Magbigay kayo at bibigyan kayo ng Diyos: hustong takal, siksik, liglig, at umaapaw pa ang ibibigay sa inyo.” Ibig sabihin, ang pagpapala ng katotohanan.
Allow me to end with what may appear at first sight as a strange image: that of the bloodied Jesus before Pontius Pilate. Upon being asked “What is Truth?” by Pontius Pilate who knew it not and washed his hands, Jesus replied with silence—not passivity but the deafening witness of a life totally lived in and offered for truth. During these days and hereafter, may we as individuals and people do likewise. Only this will ensure genuine transformation of our society and lasting peace for our children’s children.
kang, pa-email naman ng buong homily. i miss his homilies!!!
ReplyDelete