Saturday, April 12, 2008

Dear TQ (London Reflections)

Happy Bday! (i hope i get to finish this entry for your bday)

Salamat sa pabaon mo sa akin bago ako umalis noong Marso, nakatulong ito ng labis nung magsnow dito nakaraang linggo. Mabuti naman ako, malamig pero may sapat namang mga damit. Nagsimula na akong magtrabaho (sa wakas) kaya't di na ako gaanong nadedepress. Noong unang linggo kasi, habang ang lahat ay may trabaho na, ako at ang work counterpart kong si Ferg (18years old na British) halos nakatanga lang dahil nagleave ang work supervisor namin. Dumating sya noong Martes so nakapagtrabaho kami nung Miyerkules at Huwebes na.

Nitong nakaraang linggo, may mga bagay akong napagtanto. Karamihan naman di bago; madami nga alam na natin noon pa kaya lang nadiin lang siguro ng kaunti dahil sa nandito ako sa malayong lugar. Mga ilang bagay lang, random thoughts i want to share with you:

1) Labis ang naghihirap sa ating bayan - at malalim ito na hirap di lamang sa yaman kundi sa iba pang aspeto(psychological, emotional, etc) - nakakalungkot; 2) Akala ko sa rural area kami pupunta, pero ang Newham, kung nasan kami assigned ay tondo-cubao-recto combined. hahaha; 3) Kahibangan nga siguro ang isiping kaya ko o ng isang organisasyon na baguhin ang ilang sistema na patuloy na nagpapahirap sa mga tao sa ating bansa; 4) Sana humiwalay na lang talaga ang Mindanao(wahaha); 5) Sadyang ang pagiging sakim ay kawalan ng kosensya; 6) Ang sakim, di alam ang tunay na pagmamahal sa iba; 7) Matanda na ako pero bata pa din (hahaha, ang sarap maglaro sa snow at ng frisbee habang may hangin at ulan; 8) Miss ko ng manood ng sine at kumain sa labas tuwing Biyernes, pero masaya din namang makipagkwentuhan kasama ang mga bagong kaibigan sa loob ng isang pub; 9)Kapag malamig, masarap uminom;10)Mura ang coke sa Pinas, at walang sarsi lite dito -dapat pala inaraw-araw ko yun bago umalis.hehehe

Miss kita at marami pang ibang tao, pero araw-araw madami akong natututunan sa mundo. Ang dami kong natututunan sa aking mga kasama; sa aming mga seryoso at patawang usapan. Madami ding bagay ang bago na nakukuha mula sa organisasyon kung saan ako nagtatratrabaho. Di ako kikita sa loob ng anim na buwan, pero (so far) araw-araw madami akong nakikita - gamit ang mata, ang pandinig, ang isip at ang puso.

2 words!

(sa mga di nakakaalam si TQ o tess quijano ay aking batchmate mula sa JVP, batch22. magkasama din kaming nagtrabaho sa JVP central office. isa sya sa mga pinakamabuting taong kilala ko. pramis!)

3 comments:

  1. there's a 1.5 Liter of sarsi waiting for you at home...my home, that is. :D tekker!

    ReplyDelete
  2. wow, siguro inumin mo na muna kasi baka di na yan masarap by June :)

    ReplyDelete