Wednesday, January 13, 2010

Halaga ng Pangako

Meron pa nga ba?

Sa paglipana ng sangkatutak na political advertisements, na pinapangako ang kaginhawaan, integridad - ang langit at lupa, may halaga pa ba ang pangako? Parang wala na. 

Walang saysay ang salita kung di naka ugat sa gawa at susundan ng gawa. Walang katuturan ang pangako na alam mong imposibleng mangyari sa anim na taon lamang. Walang halaga ang inaasam mong bukas kung sa ilang taon mo na sa gobyerno, ni wala sa 10% ng panaginip mo ang nagawa mo.

Kaunting respeto, higit sa mga taong naghahanap ng tunay na pag-asa at kaginhawaan. Wag mong ipangako ang buwan at bituin na alam mong di mo kayang abutin para sa amin. Ipangako mong magsusumikap ka, magtatatrabaho at mananaliksiksik. Ipangako mong kukuha ng mga sekretarya mo na magtatrabaho din.  Bigyan mo ako ng mas konkretong plano, yung makikita ko ang pagbabago sa 3 o 4 na taon. 

Wag po tayong maglokohan, di  kami bobo at tanga. At higit wag mong gawing mangmang ay may kaunting kaalaman naman.  

Kung tunay na may halaga sayo ang salita, ang tao, ang bayan - bigyan mo ng kahit kaunting halaga ang salitang iyong binibitawan. Di po kami nanood ng pelikula na parang linya lamang ang mga pangakong iyong sinasambit. Higit po sa bayad sa sinehan ang buwis na aming binabayaran para sa pagbabago at kaunlaran ng ng bayan. Kaunting respeto naman, kaunting dignidad, kaunting kahihiyan din sana. Kahit kaunti na nga lang. 

5 comments:

  1. kaya nga for me, napakasimple ng statement ni n0yn0y, pero napakastr0ng, HINDI AKO MAGNANAKAW.

    ReplyDelete
  2. sa lahat ng mga kumakandidato... Bago kayo mangako sa bayan.. tuparin nyo muna ang inyong mga pangako sa inyong pamilya.. lalong lalo na sa inyong mga anak.. hhhmp.

    ReplyDelete
  3. is your daddy running for VP? thought i saw him sa commercial

    ReplyDelete